Wednesday, June 28, 2006

ang paborito kong sipsip

i just love reading the newspapers... its primary use is to inform people, but for me ,sometimes even the main section is entertaining. again, i saw another article on my favorite suck up in the government. i wont say who he is, but he's a controversial member of the cabinet. he got into big trouble when calamities truck the south of our country a few years ago and he was head of the agency responsible for monitoring that field..but after a lot of pa-cute, and sucking up, he's in a pretty good position in the palace, good enough and close enough to the president to kiss her a&$. how he ever got that position, i'll never know..but i have some flies in the walls of the palace who can actually talk(pretty credible flies they are too), and they told me stuff about this person and since then, i could never ever think of him in a straight face. well anyway, here's what i read in the article... isang taon ang nakaraan pagkatapos natin mapanood ang "i am sorry" speech ng pangulo, lumantad ang paborito kong sipsip at sinabi nya sa press na hindi yun dapat ginawa ng pangulo. na kesyo nagkaaway-away pa daw sa cabinete nun at isa daw siya sa nanindigan laban sa gusto ng Hyatt 10 na mag-apologize ang pangulo. blah blah blah (un ang datin sakin ng sinasabi nya:blah blah blah)

sana hindi nya na lang sinabi yun. oo na, andun na tayo at nagpapa-good shot siya sa kung sino man. oo na, now that there's a new impeachment complaint filed, balik nanaman tayo sa patintero at kampihan..pero hindi maganda ang impresyon na binigigay nya eh. oo, gaganda image nya (pero kahit anong pilit nya di pa din siya gwapo) , pero masisira naman yung sa gabinete..normal lang na may hindi pagkakaisa sa isang grupo, pero sana kung magtatalo sila, yng makabuluhan naman. ang nakikita tuloy ng tao, yung politikahan lang. nararamdaman tuloy ng tao na hindi sila seryoso sa pagpapaunlad ng bansa, na gawin kung ano ang totoo nilang trabaho. alam ko na may pulitikahan talaga sa gobyerno, hindi na maiaalis yan..pero wala namang masama sa pag-aasang sana naman, magsawa na sila. dahil kahit sino pa ang iupo mo sa pagkapangulo, kung ang mga nakapaligid ay ganyan pa din, wala ring mangyayari.

No comments: